BDSwiss

Ngayong matagumpay nang na-activate ang iyong account at ang iyong trading account ay may balanse ng kapital, nais naming ipakita sa iyo kung paano magbukas ng isang opsyon sa BDSwiss Binary.

Mangyaring tandaan na ang lahat ng mga halimbawang inilalarawan dito ay bilang pakita lamang at hindi ito payo sa pamumuhunan.

binary-how-to-trade-1

Pumili muna ng isang underlying asset (tingnan ang grapiko #1), sila ay nahahati sa apat na iba’t-ibang kategorya. Maari kang pumili mula sa mga pares ng currency, kalakal, indise, at sapi. Makikita mo ang isang detalyadong listahan DITO.

Pinahihintulutan ka ng drop down menu (tingnan ang grapiko #2) na piliin ang iyong gustong oras ng pagkakawalang-bisa.

Sa field ng Halaga (tingnan ang grapiko #3) maaari mong ilagay ang iyong nais na halaga ng puhunan para sa opsyon na bubuksan mo. Para sa “60 Segundo” at “One-Touch” Options, maaari mong piliin ang halaga ng puhunan mula sa isang listahang gawa na.

Ang huling hakbang ay ang iyong pagtatasa sa pamilihan. Ang isang Call Option ay umaasa na tataas ang mga presyo, samantalang isang Put Option ay umaasa na bababa ang mga presyo. (tingnan ang grapiko #4)

Resulta

Sa iyong napiling oras ng pagkakawalang-bisa, awtomatikong titingnan kung tama ba ang iyong hula. Ang aktwal na presyo sa oras ng pagkakawalang-bisa ay gagamitin at ihahambing sa presyo ng asset kung kailan binuksan ang opsyon.

Ang tamang hula ay hahantong sa pagsasauli ng iyong paunang puhunan dagdag ng pinagkasunduang payout. Ang maling hula ay hahantong sa pagkawala ng paunang puhunan. Sa kaganapan na ang presyo sa pagbubukas at pagkakawalang-bisa ay pareho, ibabalik ang iyong paunang puhunan.

Mga Karagdagang Tampok ng Opsyon

Sa halip na hayaang palaging mapawalang-bisa ang iyong opsyon, maaari mong gamitin ang aming mga karagdagang tampok ng opsyon upang i-adjust ang iyong opsyon nang isa-isa, halimbawa dahil sa isang pagbabago sa mga kondisyon ng pamilihan. Sa overview ng iyong mga bukas na posisyon, makikita mo ang mga karagdagang tampok na ito, “Sell”, “Double Up” at “Rollover”.

Ang “Sell”, tulad ng ipinapahiwatig ng pangalan, ay nagbibigay sa iyo ng kakayahan na ibenta ang iyong opsyon bago ito mapawalang-bisa. Makakatanggap ka ng isang offer na maaari mong tanggapin o tanggihan. Kung nagtitiwala ka sa kasalukuyang kalakaran, may pagkakataon kang gamitin ang “Double Up”, na magbubukas ng isang bagong opsyon na may mga parehong kondisyon ng iyong bukas na posisyon nguni’t sa kasalukuyang presyo. Sa wakas, kung sa tingin mo na ang iyong opsyon ay nangangailangan ng karagdagang panahon upang gumalaw sa iyong nais na direksiyon, maaari mong pahabain ang oras ng pagkakawalang-bisa sa pamamagitan ng “Rollover” na tampok.

Makikita mo ang higit na impormasyon tungkol sa mga karagdagang tampok ng mga opsyon DITO.

Mangalakal na Ngayon
May panganib sa iyong kapital
Babala sa Panganib: Ang pangangalakal sa Forex/CFDs at Iba Pang Mga Derivatives ay higit na nagbabakasakali at may kaakibat na mataas na antas ng panganib.