BDSwiss

Ano ang “60 Segundong Opsyon”?

Sa mga opsyong ito, maaari mong piliin ang oras ng pagkakawalang-bisa para sa sarili mo. Ang pinakamaikling panahon ay 60 segundo. Maaari mo ring piliin ang isang 90,120,180 o 300 segundong opsyon.

Paano mangalakal ng “60 Segundong Opsyon”?

Pumili muna ng isang underlying asset. Makikita mo ang kasalukuyang presyo nito sa aming platform.

1. Oras ng pagkakawalang-bisa

Sa aming mga “60 segundong” kalakalan, may kakayahan kang buksan ang isang opsyon sa anumang oras na bukas ang pamilihan para sa napiling underlying asset. Hindi katulad ng ibang uri ng binary options, walang mga pirming oras ng pagkakawalang-bisa. Sa oras na naisumite mo ang iyong order, magsisumulang tumakbo ang iyong napiling oras.

2. Halaga ng Puhunan

Mula sa isang listahang paunang tinukoy, maaari mong piliin ang halagang tama para sa iyo. Para sa mga panandaliang kalakalan, maaari kang mamuhunan nang mula sa €1.00 hanggang sa €750.00.

3. Call o Put

Dapat mong sagutin ang tanong para sa sarili mo kung sa tingin mo na ang presyo para sa napiling underlying asset ay magiging mas mataas o mas mababa sa oras ng pagkakawalang-bisa kaysa sa kasalukuyan. Sa Call Option, inaasahan mo na ang presyo ay tataas at sa isang Put Option, inaasahan mo na ito ay bababa.

Natukoy mo na ang lahat ng salik at maaari mo nang kumpletuhin ang iyong Mga “60 Segundong” Opsyong trade order.

Paano tinutukoy ang kinalabasan?

Sa iyong napiling oras ng pagkakawalang-bisa, awtomatikong titingnan kung tama ba ang iyong hula. Ang aktwal na presyo sa oras ng pagkakawalang-bisa ay gagamitin at ihahambing sa presyo ng asset kung kailan binuksan ang opsyon.

Ang tamang hula ay hahantong sa pagsasauli ng iyong paunang puhunan dagdag ng pinagkasunduang payout. Ang maling hula ay hahantong sa pagkawala ng paunang puhunan. Sa kaganapan na ang presyo sa pagbubukas at pagkakawalang-bisa ay pareho, ibabalik ang iyong paunang puhunan.

Babala sa Panganib: Ang pangangalakal sa Forex/CFDs at Iba Pang Mga Derivatives ay higit na nagbabakasakali at may kaakibat na mataas na antas ng panganib.