BDSwiss

Ang pangangalakal ng Forex/CFD kasama ng BDSwiss ay isang flexible na paraang mangalakal sa Mga Pamilihang Pinansyal. Pinahihintulutan ng uri ng espekulatibong pangangalakal na ito ang mga mangangalakal na kumita sa mga galaw sa pamilihan at mamuhunan nang hindi nangangailangan ng maraming kapital. Mahalagang tandaan na nangangalakal ka lang ng mga kontrata sa BDSwiss, at hindi pisikal na nangangalakal sa underlying market. Nangangahulugan ito na hindi mo aktuwal na pagmamay-ari ang underlying asset.

Bago mamuhunan sa mga produktong ito, dapat mong tiyakin na nauunawaan mo ang lahat ng kaakibat na panganib habang isinasaalang-alang ang iyong mga layunin sa pamumuhunan at antas ng karanasan.

Kapag handa ka nang magsimulang mangalakal, kailangan mong magbukas ng isang BDSwiss account. Ang account na ito ay magbibigay sa iyo ng akses sa BDSwiss CFD trading platform.

Maaari mong i-set up ang iyong account at magsimulang mangalakal ngayon sa pagsunod sa limang hakbang na ito:

Ika-1 Hakbang: Buksan ang iyong CFD Account

Kailangan mo munang magparehistro para sa isang account. Pagkatapos mong magparehistro, matatanggap mo ang iyong login details para sa MetaTrader 4, kung saan mo isasagawa ang lahat ng iyong kalakalan. Buksan ang iyong account DITO.

Ika-2 Hakbang: Sagutin ang Pagsusuri sa Kaangkupan at Beripikahin ang iyong Pagkakakilanlan

Bago ka magsimulang mangalakal, dapat mo munang sagutin ang Pagsusuri sa Kaangkupan upang sukatin kung ganap na nauunawaan mo ang mga panganib na kaakibat sa pangangalakal.
Bilang isang pinangangasiwaang broker, may obligasyon kaming malaman kung sino ang aming mga customer, at ito ang dahilan kung bakit namin kinakailangan na kumpirmahin mo ang iyong pagkakakilanlan. Pagkatapos lamang ng hakbang na ito mo maaakses ang iyong trading account at makakapagdeposito o makakapag-withdraw ka mula sa iyong account.

Ika-3 Hakbang: Magdeposito

Kapag naberipika na ang iyong impormasyon at ang iyong pagkakakilanlan ay matagumpay nang napatunayan, maa-unlock ang iyong account. Ngayon ay maaari ka nang makapagdeposito sa o mag-withdraw mula sa iyong account.

Mangyaring alamin ang tungkol sa mga tadhana ng pangangalakal ng CFD at ang nauugnay na mga pangangailangan ng kapital.

Ika-4 na Hakbang: I-download ang MT4 platform

Lahat ng iyong kalakalan ay matatanggap at hahawakan ng MetaTrader 4 trading platform. Ang software na ito ay available bilang parehong desktop at mobile application.
Ang iyong account ay magbibigay sa iyo ng kakayahang mag-place ng mga kalakalan sa anumang lugar sa anumang oras. I-download ang libreng desktop na bersiyon DITO o i-download ang aming mobile app DITO.

Ika-5 Hakbang: Login

Kapag nakumpirma na ang iyong account at natugunan na ang mga minimum na pangangailangan ng kapital, maaari ka nang mag-log in at i-akses ang iyong dashboard kung saan maaari mong makita ang overview ng iyong (mga) account, tingnan ang iyong kasalukuyang balanse, i-akses ang iyong mga transaksyon, at maaari kang gumawa ng mga bagong deposito at pagwi-withdraw.

*Mangyaring tandaan na ang pangangalakal ng Forex/CFD ay may kaakibat na mataas na antas ng panganib na mawala ang iyong kapital. Ang mga produktong ito ay maaaring hindi naaangkop para sa lahat at dapat mong tiyakin na nauunawaan mo ang mga panganib dito.

Mangalakal na Ngayon
May panganib sa iyong kapital
Babala sa Panganib: Ang pangangalakal sa Forex/CFDs at Iba Pang Mga Derivatives ay higit na nagbabakasakali at may kaakibat na mataas na antas ng panganib.