BDSwiss

Ano ito?

Ang CFD ay kilala rin bilang contract for difference. Ito ay produktong derivative na may underlying asset bilang batayan nito. Sa CFD, nangangalakal ka sa ebolusyon ng presyo ng underlying asset.

Pinahihintulutan ka ng CFD na kalakalin ang halos lahat ng underlying asset kabilang ang mga itinuturing na mahirap o halos imposibleng kalakalin.

Isang indise, halimbawa, ay naglalaman ng malaking bilang ng iba’t-ibang sapi, na kalimitan ay nangangailangan ng napakalaking paggugol ng kapital. Binibigyan ka ng CFD ng lahat ng kaginhawaan ng naturang indise nang hindi kailangang maglabas ng malaking halaga ng kapital o na kinakailangang mong gumawa ng patuloy na pagsasaayos.

Ang kita at lugi ay kinakalkula sa pagtukoy ng diperensya sa posisyon sa presyo sa pagbubukas at presyo sa pagsasara ng underlying asset.

Mas lalong gumagalaw ang underlying asset sa iyong inaasahang direksiyon, lalong mas mataas ang iyong kita.

Paano ito gumagana?

Ang CFD ay isang produktong leveraged, na nangangahulugan na magbabayad ka lang ng isang marhen (kolateral), na katumbas ng isang praksiyon ng aktwal na halaga ng posisyon.

Sa pamamagitan ng leverage na ito, may pagkakataon kang magpagalaw ng malalaking bulumen gamit ang kaunting paggugol ng kapital lamang, na nangangahulugan na ang maliliit na galaw ng presyo ay maaaring humantong sa malalaking kita. Mangyaring tandaan na ang mga pagkalugi ay maaaring mangyari sa parehong paraan.

Kapag nagbubukas ng posisyon ng CFD, pipiliin mo kung gusto mong mamuhunan sa tumataas o bumababang presyo para sa underlying asset.

Sa oras na isinara at binuksan mo ang posisyon ng CFD, itutukoy ang pagbabago ng presyo. Sa pagsasara, ang diperensya sa pagitan ng presyo sa pagbubukas ng posisyon at ng presyo sa pagsasara ng posisyon ay kakalkulahin.

Ang diperensya na minultiplika ng iyong bulumen na kinalakal ay tumutukoy sa iyong kita o lugi, ayon sa kung itinakda ito para sa bumababa o tumataas na presyo.

Maliban kung nangangalakal ka ng kontrata ng futures sa mga tiyak na kalakal, ang CFDs ay walang natural na oras ng pagkakawalang-bisa.

Babala sa Panganib: Ang pangangalakal sa Forex/CFDs at Iba Pang Mga Derivatives ay higit na nagbabakasakali at may kaakibat na mataas na antas ng panganib.