Minamahal naming Kliyente,

Nais naming ipagbigay-alam sa inyo na pananagutan ninyong panatilihing kumpidensiyal ang inyong (mga) username at (mga) password at tiyaking hindi makakuha ng akses ang mga ikatlong partido sa inyong account sa pangangalakal. Hindi kami mananagot para sa anumang mga transaksyon at/or kontratang isinagawa ng isang ikatlong partido sa inyong account sa pangangalakal kung naibigay ninyo ang inyong mga kredensyal sa pag-log in sa naturang ikatlong partido nang sinasadya o hindi sinasadya. Kung alam o pinaghihinalaan ninyo na may gumamit o gumagamit ng inyong impormasyon sa pagpaparehistro, username o password upang iakses ang anumang serbisyo nang walang pahintulot ninyo, dapat kaagad ninyong ipagbigay-alam ito sa aming Suporta sa Kliyente.

Bukod dito, mangyaring tandaan na napag-alaman namin na may iba’t-ibang kompanyang nakikipag-ugnayan sa aming mga kliyente gamit ang mga mapanlinlang at huwad na pahayag na:
a) bahagi sila ng aming Grupo, o
b) mga partner sa negosyo namin sila o sa anumang ibang mga paraan na may kinalaman sa amin, o
c) mga clone na kompanya, na sinusubukang gamitin ang aming impormasyon sa kompanya, lisensya, atbp. kasama ng ibang tatak na pangalan o na binabago ang anumang mahalagang impormasyon sa pakikipag-ugnayan upang makakuha ng anumang impormasyon ng kliyente o personal na impormasyon;
d) ipinapahayag nila na pinangangasiwaan sila ng Mga Hindi Tunay na Tagapangasiwa, o
e) ipinapahayag nila na pinangangasiwaan sila ngunit hindi ito totoo,

Ang ilan sa mga kompanyang ito at/o indibidwal ay nakipag-ugnayan sa aming mga kliyente na magsimula ng isang relasyon sa negosyo at/o magdeposito ng pera at/o subukang makakuha ng mahalagang sensitibong impormasyon ng mga kliyente upang i-hack ang kanilang mga account o makapinsala sa kanila.

Mangyaring tandaan na wala silang kinalaman as aming grupo kahit na may mga kompanya o indibidwal na ipinapakilala ang sarili nila bilang bahagi ng aming mga operasyon.

Hinihiling namin sa inyo na maging maingat kung may anumang kompanya o indibidwal ang makikipag-ugnayan sa inyo at ipapahayag ang alinman sa itaas. Para sa inyong proteksyon, mangyaring tingnan ang isang hindi eksklusibong listahan ng mga kompanya at indibidwal at website nila na walang kinalaman sa aming grupo: